Nakuha ng litratisa ang litratong ito, noong 2016. Nagdesisyon sila ng kanilang pamilya na pumasyal sa Manila, bandang Quiapo. Iyon ang taon kung saan nasanay siyang idokumento ang ginagawa niya sa pang-araw-araw na batayan. Nasabi niya na naglalakad siya sa harap ng simbahan nung nakita niya ang isang matandang lalaki na siguro’y nasa edad na mga 40’s hanggang 50’s, na nakaupo sa harap ng kanyang pwesto. Napansin niya rin ang matandang lalaki habang nagmimisa ang kanyang pamilya. Napansin niya ang malungkot at bigo na ekspresyon ng kanyang mukha. Tumitingin ang matandang lalaki sa kanyang paligid. Maraming mayayaman ang dumadaan sa harap niya. Naisip ng litratista, “Hindi ba siya naiinis na maraming dumadaan na may kaya ngunit hindi bumibili sa kanya?”
Napagdesisyonan ng litratista na panoorin ang matandang lalaki habang nagmimisa ang kanyang pamilya sa loob ng Simbahan ng Quiapo. Nakita ng litratista na subalit nahihirapan ang matandang lalaki magbenta ng kanyang bulaklak na tinda, nagagawa niya paring magpursigido. Samakatuwid, ang bulaklak sa kanyang pagmumukha. Nilapitan ng litratista ang matandang lalaki at tuluyang bumili ng simpleng sampaguita. Pagkatapos, nagawa niyang sabihin sa kanya ang kanyang naobserbahan. Wala siyang nagawa ang matandang lalaki kundi ang tumawa. Napangalanan tuloy ng litratista ang matadang lalaki ng “Manong naghihirap magbenta pero nagagawang magpursigido para mabuhay”.
Ang iyong inilarawang isyu ay nagbibigay sa amin ng bagong perspektibo tungkol sa isyung ito. Ang kwento ay nakakapagbigay ng inspirasyon sa maraming tao. Ano kaya ang posibleng solusyon sa problemang ito, maaari mo itong idagdag sa iyong blog… ❤
LikeLiked by 1 person
gumamit ng ikatlong panauhan at ayusin ang baybay ng ilang mga salita
LikeLike
Sa kwentong nailahad sa taas, ako ay natuwa sa mabuting pag-uugali ng awtor at ang kanyang mabuting kalooban na ginawa para sa tindero. Sa buhay, sadyang hindi maiiwasan na mayroong ipinanganak na mahiraphabang ang isa nama’y ipinanganak na mayaman. Subalit, sa kabila nang magandang istorya na nabanggit, nais ko lamang sabihin na ang ibang mga salita ay mali sa paraan ng paggamit at mayroong ibang mali ang gramatika. Ito lamang ang nakikita kong pagkakamali ng awtor.
LikeLiked by 1 person